Pinawi kahapon ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum ang pangamba ng publiko, partikular ng mga residente sa paligid ng Bulkang Volcano, na magkakaroon ng malakas na pagsabog ang bulkan.

Pinabulaanan ni Solidum ang sinasabing kada ika-100 taon ay nagkakaroon ng mapaminsalang pagsabog o “big bang” ang bulkan.

Aniya, ang pagputok ng bulkan ay nakadepende pa rin sa dami ng magma na umaakyat palabas ng crater nito.

Wala aniyang katiyakan na malakas na sasabog ang bulkan at tanging posibilidad lang ang kanilang tinitingnan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi pa ni Solidum na walang dapat ipangamba ang publiko at ang kailangan lang na gawin ay maghanda, maging alerto at sumunod sa mga paalala at mga ipinagbabawal ng pamahalaang panglalawigan ng Albay.

Batay sa record ng Phivolcs, taong 1814 nang maitala ang pinakamapinsalang pagsabog ng Mayon o eksaktong 200 taon na ang nakalilipas.