Agad na masusubok ang kakayahan ng Batang Gilas–Pilipinas sa pagsagupa sa mas matatangkad na manlalaro ng Jordan sa preliminary round ng 23rd FIBA Asia U18 Championship na gaganapin sa Doha, Qatar.

Sasagupain ng Batang Gilas, sariwa pa sa ika-15 puwestong pagtatapos sa FIBA Under 17 World Championships sa Dubai, ang Jordan sa ganap na alas-9:00 ng umaga sa Qatar (ala-1:00 ng tanghali sa Pilipinas) na asam ang unang panalo kahit nakasisiguro na ng silya sa ikalawang round.

Aasahan ni Batang Gilas coach Mike Jarin ang limang nadagdag sa koponan na sina Kobe Paras, Aaron Black, Mark Dyke, Ranbill Angelo Tongco at Brandey Bienes upang targetin ang isa sa tatlong puwesto para umusad sa 2015 FIBA U19 World Championship.

Ang Batang Gilas ay binubuo nina Jose Go IV, Black, Dave Wilson Yu, Dyke, Andres Paul Desiderio, Richard Escoto, Joshua Andrei Caracut, Tongco, Leonard Santillan, Manuel Isidro Mosqueda III, Paras at Bienes.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Makakaharap nito ang Jordanian na binubuo nina Omar Albdour (160cm), Yazeed Hijazi (180cm), Mohammad Alabedallat (196cm), Ibrahim Hamati (187cm), Zeyad Elayan (185cm), Ghaith Alfaraj (190cm), Ahmad Hassooneh (185cm), Aus Haddad (170cm), Mitri Bousheh (170cm), Abdullah Alsawalhi (200cm), Khaled Abuaboud (196cm) at Yousef Uwais (197cm) Matatandaan na nagawang makuwalipika ang Pilipinas sa pagwawagi sa 9th SEABA U-18 Championship na ginanap sa Tawau, Malaysia matapos na biguin sa kampeonato ang host Malaysia, 93-76.

Kabuuang 14 na koponan ang magsasagupa sa 23rd FIBA Asia U18 Championship kung saan ay tanging ang tatlong mangunguna ang makakakuha ng karapatan iprisinta ang FIBA Asia sa 2015 FIBA U19 World Championship na gaganapin sa Crete, Greece.