Anong gagawin mo pagkatapos mong mag-resign? Ipagpapatuloy mo ba ang pagmumukmok sa inyong bahay? Alalahanin mo, kung magbibitiw ka sa trabaho bunga ng kasuklaman sa iyong mga kasama o patakaran ng korporasyon na iyong pinaglilingkuran, matagal bago mawala sa iyong puso at isip ang poot at kalungkutan. Kung nais mong mag-resign, kailangang tanungin mo muna ang iyong sarili. Kailangan mong sumagot nang matapat. Kapag hindi mo ito nasagot nang buong katapatan at makatotohanan, maaaring mapahamak mo ang iyong sarili kalaunan:

  • Ano ang gagawin ko pagkatapos kong mag-resign? – Maghahanap ka ba ng ibang trabaho? okay lang ba sa iyo kung parehong trabaho ang makuha mo sa ibang korporasyon? Magiging masaya ka ba sa bago mong trabaho? Hinahamon ka ba ng kasalukuyan mong trabaho na maging mahusay at magpakita ng gilas? nagagamit mo ba ang buo mong potensiyal sa kasalukuyan mong trabaho? Aktuwal ka bang interesado sa iyong ginagawa ngayon? Huwag magkamaling mag-resign dahil hindi mo na matagalan ang iyong mga tungkulin at magsisi kalaunan dahil nagkukumahog ka sa paghahanap ng bagong trabaho dahil nauubos na ang iyong pera. Kung magtatrabaho ka naman sa ibang kumpanya, malamang na balik uli sa mababa ang iyong kasalukuyang suweldo.
  • Kaya ko bang mag-resign? – Kung wala ka namang lilipatang ibang trabaho, dapat alam mo kung saan kukunin ang pambayad ng iyong bills kung sakaling magbibitiw ka. Ito ang pinakamalaking dahilan kung bakit hindi nagbibitiw sa trabaho ang karamihan sa atin. Halos mamatay sila sa takot na baka hindi nila mabayaran ang kanilang mga obligasyon. At habang matibay na dahilan ito, isa rin itong patibong ng pangasiwaan upang manatili kang nagdurusa habambuhay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kung hindi ka tiyak na kaya mong bayaran ang iyong mga obligasyon, mayroon kang dalawang pagpipilian: Planuhin ang iyong tatanggaping pera upang ipambayad sa iyong mga obligasyon (ilaw, tubig, kuryente, tuition fee) sa panahong wala kang trabaho; o pangatawanan mo na lamang ang pagbibitiw at pairalin ang lakas ng iyong loob.

Bukas uli.