Ni Madel Sabater-Namit

Isipin ninyo ito: Sina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Senador Benigno Aquino Jr. na nakangiti habang nakatingin mula sa langit sa kanilang anak na si Pangulong Benigno S. Aquino III.

Ganito ang paniniwala ni Pangulong Noynoy kung gaano kasaya ang kanyang mga magulang dahil sa mga nagawa ng kanilang anak para sa bayan. 

“Pinaka-compliment doon, pagtingin ko sa kanila, ngingitian lang nila akong dalawa, ayun na ‘yun,” sinabi ni Aquino sa panayam ng TV5.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay PNoy, hindi nakagawian ng kanyang mga magulang na magbigay ng papuri at ang tanging inaasahan ng mga ito sa kanya ay gawin niya kung ano ang nararapat.

Nagbalik-tanaw pa si PNoy noon habang nasa elementarya pa siya, at Number 3 sa klase, inengganyo umano siya ng kanyang ama na magpursige upang maging Number One. 

“Pareho naman ho silang ‘yung gina-guide kayo nang maayos pero talaga ring nagtutulak na masagad mo ‘yung kakayahan mo,” sabi ni PNoy.

Ginunita ng sambayanan ang anibersaryo ng pagpanaw ni Cory Aquino noong Agosto 1 habang sa Huwebes, Agosto 21, ay gugunitain naman ang anibersaryo ng pagkamatay ng dating senador, at idineklara na ng Malacañang ang nasabing petsa bilang special non-working holiday.