LINGAYEN, Pangasinan— Gutay-gutay nang matagpuan ang isang 86-anyos na babae na hinabol ng taga ng kanyang lasing na anak sa Barangay Basing ng bayang ito.

Sa report kahapon ng Lingayen PNP, bandang 10:30 ng gabi noong Sabado nang malasing ang suspek na si Eusebio Castro, 57, ng nabanggit na lugar at napagdiskitahan ang inang si Librada Castro, biyuda.

Bago ang madugong insidente ay umiinom ng alak ang suspek sa kanilang bahay nang sawayin siya ng ina dahil sa ingay at gabi na, ngunit imbes na tumahimik ay kinuha niya ang kanyang samurai at pinagtataga ang ina. Tumakas palabas ng bahay ang biktima ngunit hinabol siya ng suspek hanggang sa kalsada.

Nahuli ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kasong parricide. - Liezle Basa Inigo

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes