ANG isa pang problema ng karamihan ng mga manggagawa ay hindi nabibigyan ng reward sa napakahusay nating performance. Sa halip na tingnan ang kahusayan ng ating paggawa, tinitingnan nila ang oras ng ating inilagi sa trabaho. Ito ay isang magaspang na sistema na nagpapalaganap ng katamaran, kawalan ng gana, manipulasyon, at pagkasugapa.

Hindi tayo tinuturuan ng pangasiwaan na tuparin ang ating mga pangarap at sa halip sinasabihan tayong magpakatotoo. Tinuturuan tayong sundin ang kanilang mga panuntunan at patakarang hindi nasusulat na nauuwi sa isang buhay na sadlak sa hirap sa halip na maginhawa at panatag. Sa madaling salita, buhay na walang kabuluhan. Kasi naman, hindi nila responsibilidad kung ano ang gawin mo sa iyong buhay.

Kung nais mong mag-resign, kailangang tanungin mo muna ang iyong sarili. Kailangan mong sumagot nang matapat. Kapag hindi mo ito nasagot nang buong katapatan at makatotohanan, maaaring mapahamak mo ang iyong sarili kalaunan:

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

  • Bakit nais kong mag-resign? – Napakasimpleng tanong, ngunit karamihan sa atin hindi alam kung bakit nga natin kailangang magbitiw sa trabaho. Siguro bored ka na. Siguro kinasusuklaman mo ang isa o dalawa o isang batalyong kasama mo sa trabaho. Siguro nakaaway mo ang iyong superior na kung nawala ang mga kinasusuklaman mo ay magiging mabuti para sa iyo ang lahat. Siguro nakalubog ka lang sa problema sa trabaho na kailangan mo lang makakawala o magpakalayo muna upang magkaroon ng kapahingahan ang iyong utak at makapag-isip nang mabuti pagbalik mo.

Marami sa atin ang may kakayahang manatiling positibo at masaya sa harap ng kinasusuklaman nilang trabaho o kasama. Ngunit may ilan ding hindi. Malamang na naiisip mo na hindi iyon ang dapat mong trabaho. Kung totoo ngang hindi iyon ang iyong trabaho at labag sa iyong kalooban, mayroon kang dahilan upang mag-resign. Ngunit huwag ka namang agad na umalis kung umaasa kang may mangyayaring pagbabago pa. Sundan bukas.