Pinaigting ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang information drive sa libu-libong residente sa mga bayan sa palibot ng Bulkang Mayon sa Albay kaugnay ng patuloy na pag-aalburoto nito.

Ayon sa Phivolcs, layunin ng kanilang information dissemination na maipaalam sa mga nakatira sa mga nasabing lugar ang pinakahuling impormasyon sa sitwasyon ng bulkan at ang mga hakbang na gagawin ng mga ito kapag pumutok ito at magpakawala ng lava, at makamit din ang zero casualty.

Gagamitin din ng ahensya ang lahat ng maaaring makatulong sa pagpapaabot ng impormasyon sa publiko, katulad na lamang ng radyo, telebisyon, print media at social networking site.

Kaagapay din ng Phivolcs sa nasabing hakbang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Office of Civil Defense (OCD) at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Kahapon, sinabi ng mga ahensya na kinukumpleto pa nila listahan ng mga lugar na posibleng maapektuhan kapag pumutok ang bulkan, gayundin ang bilang ng mga pamilyang kailangang ilikas, kasama na ang mga evacuation centers na maaaring magamit ng mga ito.