Cincinnati (AFP)– Nakopo ni world number one Serena Williams ang kanyang unang titulo sa Cincinnati nang kanyang pataubin si Ana Ivanovic, 6-4, 6-1, sa final ng WTA Tour hardcourt tournament kahapon.
Kinailangan lamang ni Williams, na nagtapos bilang runner-up noong nakaraang taon, ng 62 minuto upang kunin ang kanyang ika-62 career singles crown.
"It was such a great week," sinabi ni Williams. "She was playing so hard, hitting so many winners."
Minarkahan din nito ang ikalawang titulo ni Williams ngayong buwan at layon niyang manatiling nasa kundisyon patungo sa final major ng season, ang US Open, na magsisimula sa Agosto 25 sa New York.
Nakuha ni Williams, na ipagdiriwang ang kanyang ika-33 kaarawan sa susunod na buwan, ang siyam sa huling 10 games upang makuha ang panalo laban sa ninth-seeded na Serb.
Bumayo si Williams para sa 12 aces at 26 winners sa kanyang panalo.
"I just kind of close my eyes and serve," ani Williams. "When you think about it too much you get kind of crazy."
Siya ay mayroon nang limang panalo ngayong 2014 mula sa Brisbane, Miami, Rome, at Stanford.
Si Ivanovic ay naglaro sa kanyang unang final sa North American soil mula 2009 sa Indian Wells.