MARC-Pingris-with-daughter

Sa ikalawang sunod na taon, nakatakdang tanggapin ni San Mig Coffee power forward at Gilas Pilipinas standout Jean Marc Pingris ang karangalan bilang Defensive Player of the Year sa darating na PBA Press Corps 2014 Annual Awards Night sa Huwebes sa Richmond Hotel sa Eastwood City sa Libis, Quezon City.

Katunayan, ito ang ikatlong pagkakataon na nahirang si Pingris bilang Defensive Player opf the Year ng PBAPC matapos siyang mapili noong 2006 at sa nakaraang taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil dito, napantayan na ng ipinagmamalaking anak ng Pozzorubio, Pangasinan ang dating Shell player na si Chris Jackson na tumanggap ng nasabing award noong 1998, 1999 at 2001.

Bukod kay Pingris, dalawa pa niyang kakampi ang nakatakdang tumanggap din ng parangal sa nasabing taunang awards rites sa katauhan nina Peter June Simon at Mark Barroca na siyang gagawaran ng Quality Minutes at Order of Merit awards, ayon sa pagkakasunod.

Nakatakda ring parangalan sa nasabing okasyon na itinataguyod ng PBA, Alaska, Barangay Ginebra San Miguel, Barako Bull, Blackwater Sports, Globalport, Kia Motors, Meralco, NLEX, Rain or Shine, San Mig Super Coffee, San Miguel Beer at Talk ‘N Text ang dalawa pang manlalaro na nakapag-iwan ng matinding impresyon sa nakalipas na season sa kanilang ipinamalas na performance.

Ang mga nasabing player ay sina dating Air21 center Paul Asi Taulava na tatanggap ng Bogs Adornado Comeback Player of the Year award at si Talk ’N Text guard Jayson Castro na pararangalan naman bilang Scoring Champion.

Pinakamatandang manlalaro sa liga sa edad na 41, pinatunayan ni Taulava na kaya pa rin niyang magdomina sa ilalim sa kanyang naitalang average na 14.75 puntos at 12.38 rebounds noong nakaraang taon kung saan isa siya sa mga naging malapit na katunggali sa Most Valuable Player (MVP) award ng nagwaging si June Mar Fajardo habang nakapagtala naman ng league-best 16.78 points average si Castro noong nakaraang season.

Nakatakda ring bigyan ng parangal ng PBAPC ang kanilang napiling All-Rookie Team na kinabibilangan nina Greg Slaughter ng Barangay Ginebra, Ian Sangalang at Justin Melton ng San Mig Super Coffee, Raymond Almazan ng Rain or Shine at Terrence Romeo ng Globalport, bukod pa sa Coach of the Year at Executive of the Year.