Dapat na magsilbing wake-up call sa mga magulang para bantayang mabuti at palakihin nang maayos ang kanilang mga anak, ang pagkakaaresto sa isang 14-anyos na dalagita sa isang anti-drug operation sa Cebu City.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), labis siyang nalulungkot dahil sa pagkakasangkot ng bata sa bentahan ng illegal na droga.

Kaugnay nito, umapela si Palma sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak, mahalin at alagaan ang mga ito at tiyaking mabibigyan ng magandang edukasyon para maiiwas sa maling gawain at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Umaasa rin si Palma na wala nang mga menor de edad pa na masasangkot muli sa drug trade.
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso