MAUBAN, Quezon— Isang 61-anyos na lalaki ang namatay habang 10 iba pa ang nasagip nang lumubog ang kanilang sinasakyang bangkang-de-motor sa karagatang sakop ng Barangay Cag-siay 11, sa bayang ito noong Sabado ng hapon.

Ayon ulat ng otoridad ang nasawi ay si Pedro Gonzales Pablo Jr, at ang iba pang nailigtas ng mga tauhan ng Mauban Philippine Coast Guard Station, Mauban police, Fire Brigade at mangingisda ay sina Joseph Tala Hutalla, 29, single, customer service, at residente ng Barangay Ilayang Iyam, Lucena City; Rosalinda Pablo Jr., Xavier Pablo, Marie Pablo, Simon Pablo, Stephany Pablo, Xyra Pablo, Freya Pablo, Chelsea Pablo, and Rochelle Pablo, pawang taga-Sitio Dalig, Barangay Cag-siay II ng bayang ito.

Ayon sa ulat, makaraang sagipin ay nagreklamo ng pananakit ng dibdib si Pablo kung kaya’t agad na isinugod sa Mauban District Hospital ang subalit patay na ng dumating.

Dakong 4:00 ng hapon, naglayag ang hindi rehistradong bangkang de motor na ino-o-perate ng magkapatid na Oniel at Neptali Sollestre Basas. Pagsapit sa pagitan ng Cag-siay II at Cagbalete island, hinampas ng malaking alon ang bangka at lumubog. - Danny J. Estacio
National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros