Aabot sa 641 Pinoy na ilegal na nananatili sa Sabah, Malaysia ang ipinatapon pabalik ng Pilipinas noong Biyernes, ayon sa Malaysian news site na Star.

Ang 641 Pinoy na kinabibilangan 293 lalaki,188 babae at 160 bata na may edad isa hanggang 75-anyos ay isinakay sa pampasaherong barko patungong Zamboanga City sa Mindanao.

Unang dinala ang mga Pinoy na iligal na pumasok sa Sabah sa Temporary Detention Center sa Sibuga bago isinakay sa 22 bus patungong pantalan ng Sandakan.

Ayon kay Sabah/Labuan Special Task Force Director Rodzi Md Saad, meron pang 3,558 illegal immigrant ang nananatili sa Temporary Detention Center sa Papar, Sandakan at Tawau.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nakapagpa-deport ang Special Task Force ng 12,100 illegal immigrant sa pagitan ng Enero hanggang Agosto 15 ngayong taon. Kabilang sa mga ito ang 9,368 Pinoy at 2,569 Indonesian.

Ito na ang pinakamalaking bilang ng illegal immigrant na sumailalim sa deportasyon sa Malaysia ngayong 2014 kumpara sa kabuuang 13,222 noong 2013 at 12,551 noong 2012.

Sinabi ni Saad, may 4,000 indibidwal pa ang naghihintay na lamang ng deportasyon bago matapos ang 2014.