Ni ELLALYN DE VERA

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ng halos 300,000 indibidwal sa second quarter ng 2014, batay sa resulta ng huling survey Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa nationwide survey isinagawa mula Hunyo 27 hanggang 30 sa 1,200 respondents na ang joblessness rate o antas ng kawalan ng trabaho sa mga Pilipinong mula 18 anyos ay tumaas ng 25.7 porsiyento o 11.5 milyong Pilipino noong Marso, 2014 sa 25.9 porsiyento po 11.8 milyong indibidwal noong Hunyo 2014.

Para matukoy ang joblessness, sinabi ng SWS na ang mga nasa ilalim ng kategoryang ito ay ang mga indibidwal na 18 anyos pataas at walang trabaho at naghahanap din ng trabaho.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Gayunman, ang jobless o mga walang trabaho na hindi naghahanap ng trabaho, gaya ng housewives at retired individuals ay kabilang sa kategoryang ito.

Binigyang diin ng SWS na ang joblessness ay nananatiling mataas ng 20 porsiyento simula noong Mayo 2005, maliban noong Marso, 2006 (19.9 porsiyento); Disyembre, 2007 (17.5 porsiyento); at Setyembre, 2010 (18.9 porsiyento).

Samantala, ang pinakamataas na unemployment rate sa mga Pilipino ay naitala noong Pebrero, 2009 sa 34.4 porsiyento.

Ipinakita ng SWS na ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ay halos binubuo ng adults na tumigil sa kanilang trabaho (mula 11.4 porsiyento sa 13.2 porsiyento), natanggal sa trabaho (mula 10.7 porsuyento sa 8.8 porsiyento), at first-time job-seekers (mula 3.3 porsiyento sa 3.6 porsiyento).

Sa 8.8 porsiyento ay na-retrench, 6.3 porsiyento ay hindi na-renew ang kanilang kontrata, 1 porsiyento ang nahinto ang operasyon ng kanilang employers, at 1.5 porsiyento ay inalis sa trabaho.

“Adult joblessness has traditionally been dominated by those who voluntarily left their old jobs and who lost their jobs due to economic circumstances beyond their control,” ayon sa SWS.

Sa parehong survey period, ang optimism ng mga Pilipno sa job availability ay bumaba mula sa “fair” +13 sa first quarter ay naging “mediocre” +3 sa kasalukuyan.