Agad na magtutungo ang Batang Gilas – Pilipinas coaching staff kasama ang tatlong manlalaro nitong sina Jollo Go, Richard Escoto at Paul Desiderio sa Doha, Qatar para samahan sina Kobe Paras at Aaron Black sa paglahok ng koponan sa 23rd FIBA Asia U18 Championship na nakatakda sa Agosto 19-28.

Ito ay matapos na tapusin ng Batang Gilas ang kampanya nito sa maigting na 115-51 panalo kontra host United Arab Emirates Sabado ng gabi upang tumapos na ika-15 puwesto sa Fiba Under-17 World Championship in Dubai.

Umiskor si Paul Desiderio ng 25 puntos upang itulak ang Batang Gilas sa una nitong panalo sa torneo matapos ang limang sunod na kabiguan upang maiwasang tumapos na panghulin sa 16- na koponang torneo.

Kapwa nag-ambag sina Michael Dela Cruz at Mike Nieto ng15 puntos habang si Diego Dario at Arnie Padilla ay naghulog ng 13 at 12 putnos para sa Batang Gilas na itinala ang pinakamataas na 70 puntos na abante kontra sa UAE, 40-7, sa ikatlong yugto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang panalo ay tumighaw sa pagkauhaw ng koponan na makapagtala ng panalo sa torneo matapos magkuwalipika sa World Championships sa hindi inaasahang pagsungkit sa medalyang pilak sa Fiba-Asia Under-16 Championship noong nakaraang taon.

Agad na makakasagupa ng Batang Gilas-Pilipinas Under 18 ang Jordan sa Agosto 20, Miyerkules, sa ganap na alas-9 ng umaga (Qatar Time). Kasama ng koponan sa tatlong koponang Group B ang Korea.

Ang 23rd FIBA Asia U18 Championship ang siyang qualifying event para sa 2015 FIBA U19 World Championship na gagawin sa Crete, Greece. Ang mangungunang tatlong koponan sa 23rd FIBA Asia U18 Championship ang siyang magrerepresenta sa FIBA Asia sa 2015 FIBA U19 World Championship.