Ni CECIL MORELLA, AFP

PUERTO PRINCESA, Palawan – Puno ng magkakasaliw na huni ang silid habang abala ang isa sa mga pangunahing crocodile breeder ng Pilipinas sa pagsusuri sa kanyang mga alaga sa halos mapuno nang “Noah’s Ark” para sa isa sa mga pinaka-endangered na hayop sa mundo.

Ang tunog, na gaya ng nililikha ng sisiw, ay nagmumula sa mga metal tank na kumukupkop sa mga baby Philippine crocodiles, na artipisyal na pinarami sa mga incubator mula sa mga itlog na kinolekta ni Glenn Rebong at ng kanyang grupo mula sa itlugan ng ina ng mga ito.

“We’re producing so many but there are few opportunities to release them in the wild. So they get stuck here and you get overcrowding,” sinabi ni Rebong sa Agence France-Presse nang kapanayamin sa loob ng limang-ektaryang Palawan Wildlife Rescue and Conservation Centre sa siyudad na ito.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Marami pa noon ang Crocodylus Mindorensis na matatagpuan lang sa mga lawa at ilog sa Pilipinas, pero paunti na nang paunti ang mga ito dahil sa illegal hunting sa kapakinabangan ng fashion industry, bukod pa sa napagkakamalan silang kasing bangis ng ibang buwaya (Crocodylus Porosus) kaya pinapatay sila, o kaya naman ay naglaho na ang natural nilang tahanan.

Pinakamalaki na kapag umabot sa 10 talampakan, mahiyain ang mga freshwater crocodile at mas maliit ang kinakain kumpara sa saltwater crocodile—pero dahil ignorante ang mga tao sa pagkakaiba ng dalawa, karaniwang pinapatay din ang una dahil sa matinding takot na umatake ito sa tao.

Nang inilunsad ng gobyerno ang captive breeding program nito noong 1987 ay natuklasan sa survey na 250 na lang ang tinatayang nabubuhay sa wild, pero naniniwala si Rebong na nabawasan pa ang nasabing bilang.

Itinuturing ng International Union of Conservation and Nature na “critically endangered”, sa kinakapos na sa pondong center matatagpuan ang pinakamalaking koleksiyon ng nasabing species, na umaabot sa 500, kalahati sa mga ito ay freshwater at ang natitira ay “salties”.

Ang taunang kita ng center na umaabot sa P12 milyon mula sa entrance fees ng mga turista ay sapat lang na ipambili ng isdang pagkain ng mga buwaya, at pampasuweldo sa 45 empleyado nito.