Matapos ang mapait na pagkakahulagpos sa kanilang National Cheerdancing Championship crown noong Abril, asam ng National University (NU) Bulldogs Pep Squad na hindi na mauulit ang nangyari sa kanilang padedepensa ng UAAP title sa susunod na buwan.
Isa sa pinakamainit na cheerdancing team sa bansa, ginulat ng NU ang milyunmilyong cheerdancing fans matapos na magpamalas ng nakakaingganyong Arabian NU Pep Squad, idedepensa ang UAAP crown themed performace sa UAAP season 76 cheerdance wars.
Subalit sa nakaraang National Championships, tumapos lamang na ikatlo ang Jhocson St. Sampaloc, Manila based squad sa nagkampeon na Central Colleges of the Philippines (CCP) at University of Perpetusal Help Dalta System (UPHDS).
Paliwanag ni NU Pep Squad coach Ghicka Bernabe, exhaustion at hindi overconfidence ang dahilan kung bakit nakahulagpos sa kanila ang NCC crown.
“Maraming reason, one of them probably was ‘yung ang tagal naming nagperform. Kasi ika-27 kami, imagine how long our team had to wait,” paliwanag ni Bernabe.
“’Yung mga bata kasi wanted to focus, pero masyado kaming na-exhaust sa tagal ng paghihintay. Dumating kami 6:30 ng umaga pero nakapag-perform kami mga around 7:00 ng gabi na.”
“Pero sabi ko nga, we already lost it. Hindi na kami dapat mag-dwell pa doon, we just have to keep improving,” dagdag pa ng magandang coach ng NU na suportado ng SM group of companies.
Matapos ang drawing of lots, muling natapat bilang last performer ang NU sa UAAP season 77 cheerdance tilt.
Unang magpeperform sa September 14 event sa Smart Araneta Coliseum ang UE na susundan ng FEU, UP, UST, Ateneo, La Salle at Adamson, bagay na hindi na ikinababahala ni Bernabe.
“It won’t matter anymore kung last o first kami. Basta we will try to ready ourselves. No excuses, no room for mistakes,” ayon pa sa NU coach na magpapamalas ng mas mabilis at mas exciting na performance.
“Every year, nag-e-evolve nag-routine. Alam namin may mga bago ring ipakikita ang ibang schools. Kami naman maglalabas rin kami ng alam namin kami pa lang maglalabas.”
Sa ngayon ay puspusan na ang paghahanda ng Bulldogs para sa misyon na ipagpatuloy ang kanilang dominasyon sa UAAP Cheerdance Championships.
“We are really preparing hard for our UAAP defense. In fact, we spent summer training our flyers, then we had the ranking tapos nag start na agad yung training namin around first week of June,” kuwento ni NU Pep Squad team manager Patricia Chunsim.
Bukod sa team event, dedepensahan rin ng NU sa paparating na UAAP cheerdance wars ang kanilng korona sa 5-man group stunts na pamumunuan ni Claire Cristobal, ang ngayo’y sikat na performer ng Bulldogs na binabali ang katawan sa pag-perform ng ‘exorcism routine’ noong nakaraang taon.