LUMAGO ang bilang ng mga Pilipino na may trabaho ng 4.5% sa 38.66 milyon noong Abril, 2014 mula sa 37.01 milyon sa parehong buwan noong 2013 na nangangahulugan ng pagdami sa 1.65 bagong empleyong Pilipino sa buong bansa, ayon sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority noong Abril 2014. Pinasigla ang employment growth sa matatag na expansion sa sektor ng industriya at serbisyo at ng pagsikad ng agrikultura. Sa 1.65 milyong may trabahong indibiduwal, 929,000 ang nag mula sa services sector, na pinasigla ng employment increases sa wholesale at retail trade, bangking sector, at business process outsourcing. Sinundan ito ng 374,000 sa industry sector at 352,000 sa agriculture sector.

Ipinakita sa pinakahuling survey na 14 rehiyon ang nagtala ng employment gains: Region 4-A (Calabarzon) na may 325,000 bagong trabaho, sinundan ng Region 3 (Central Luzon), 205,000; Region 7 (Central Visayas), 186,000; National Capital Region (Metro Manila), 185,000; Region 11 (Davao), 181,000; Region 6 (Western Visayas), 173,000; Autonomous Region in Muslim Mindanao, 134,000; Region I (Ilocos), 87,000; Region 10 (Northern Mindanao), 83,000; Caraga, 52,000; Region 12 (Soccsksargen), 51,000; Region 4-B (Mimaropa), 44,000; Region 5 (Bicol), 26,000; at Cordillera Administrative Region, 4,000.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa pangunguna ni Secretary Rosalinda D. Baldoz, ang nagpahayag na isang prominenteng aspeto ng employment growth ay ang lumalagong pribadong sektor at wage employment. Ang bilang ng wage at salary worker ay lumago ng 909,000 (4.3%) mula 21.310 milyon noong 2013 sa 22.219 milyong ngayong taon. Ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabahong kabataan mula 16.8% noong Abril 2013 sa 15.7% noong Abril 2014 ay isang nakapagpapasiglang indikasyon, ayon sa survey, na nagbanggit ng mga pagsisikap tulad ng Special Program for the Employment of Students, ng Youth Entrepreneurship Program, at ng JobStart na isang DOLE-Canada partnership.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho