KRIS-Aquino-2

ISA si Kris Aquino sa iilang pangalan ng mga artista na pinagpipilian para gumanap bilang si Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta kung sakaling matuloy ang pagsasapelikula ng kanyang buhay.

Kahit tinanggihan na noon ni Atty. Persida ang pagsasapelikula ng buhay niya ay may isang malaking produksiyon pa rin na interesadong gawin ang life story niya. At base sa reaksiyon na nakita namin sa kanya ay ang Queen of All Media ang isa sa gusto niyang gumanap.

Bukod sa film-bio niya ay hiningi rin ni Atty. Persida ang reaksyon sa ipinatawag na entertainment press kung dapat ba niyang pasukin ang mundo ng pulitika at lisanin ang matagal na niyang hawak na posisyon bilang PAO chief.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

May mga kumukumbinsi kasi sa kanya na tumakbo bilang senador sa 2016 elections, pero nais ng sikat na abogado na tapusin muna ang mga nakabimbing kaso sa kanyang teritoryo bago siya magdesisyon.

Isa sa mga kasong tinututukan ni Atty. Persida Acosta ang apela ng mga pamilya ng mga biktima ng lumubog na barkong M/V Princess of the Stars na pagmamay-ari ng Sulpicio Lines na ngayon ay pinalitan na ang pangalan.

Ilang taon nang nakabimbin sa husgado ang nasabing kaso kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamtan ang katarungan sa mga biktima ng sinasabing the biggest sea tragedy.

Ayon kay Atty. Acosta, nag-file ng motion for reconsideration ang PAO para i-review ng Supreme Court ang desisyon nitong gawin lang na civil case ang ipataw sa may-ari ng Sulpicio Lines sa halip na criminal case.

Sabi pa ng PAO chief, hanggang ngayon ay marami pang mga bangkay na hindi pa rin nakukuha sa lumubog na barko. Hindi nga raw sapat na bayaran lang ng daang-libong piso ang mga naulila ng mga biktima para sa mga buhay na nawala. Sumisigaw ng hustisya ang mga pamilya ng biktima na siya nilang ipinaglalaban.