VIRAC, Catanduanes – Nagdeklara ang Provincial Health Office dito ng “Code White Alert” dahil sa dumadaming kaso ng dengue sa probinsiya sa nakalipas na dalawang linggo.

Sinabi ni Dr. Hazel Palmes, Catanduanes provincial health officer, na mahigit 130 kaso na ang kanilang naitatala pero wala pang napapaulat na nasawi. Aniya, 70 porsiyento ng mga naka-confine sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC) Hospital ay pawang pasyente ng dengue habang halos 50 porsiyento naman ang nasa mga pribadong ospital sa lalawigan.

Sinabi ni Palmes na idinedeklara ang code white alert upang ihanda ang mga pasilidad, gaya ng mga Rural Health Unit (RHU), at mga barangay health worker, dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng dengue.

Aniya, karamihan sa mga naitatalang kaso ng dengue ay nagmula sa Virac, kaya naman itinuring niyang nakaaalarma na ang sitwasyon. (Niño N. Luces)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho