MATAPOS magsisikap ang Manila na maresolba ang problema sa trapiko sa pamamagitan ng paglalaan ng mga hangganan para sa mga cargo truck na daraan lamang sa mga lansangan sa tiyak na oras, nagkaroon ng iba pang sulirnin na nakaapekto sa iba pang sektor. Nagsimulang magsisiksikan ng mga cargo truck sa port area. Nagkaroon ng mga delay ng cargo mula sa abroad. Sapagkat hindi makarating agad ang kanilang raw materials sa tamang panahon, nalulugi ang mga industriya, lalo na sa operasyon ng negosyo sa pagkain kung kaya naapektuhan pati na ang mga presyo ng bilihin at mga supply.

Napagaan lamang ang situwasyon nang baguhin ng Manila ang orihinal nitong ban at muling binuksan ang Roxas Blvd., halimbawa, sa mga cargo truck, ngunit limitado lamang ang mga ito sa isang linya sa bawat direksiyon, ang linyang pinakamalapit sa center island. Ito ay isang areglo kung saan puwersadong lumipat sa magkabilang gilid ang iba pang motorista. Ngunit habang kumikilos ang iba pang ahensiya ng gobyerno sa kanilang sariling hakbang, natuklasan nilang mas malaki ang naging problema kaysa kanilang inakala.

Nasa sentro ng problema ay ang katotohanan na habang lumalago ang populasyon na kaakibat ang paglago rin ng mga negosyo at industriya, hindi naman lumawak

ang mga lansangan ng Metro Manila upang sabayan iyon. Lalong tumindi ang problema sa trapiko dahil sa operasyon ng mga kolorum – yaong mga cargo truck at pampasaherong sasakyan na walang mga prangkisa at permit. Sa loob ng maraming taon, tinitiis lamang ito bunga ng pangngailangan ng lumolobong populasyon at ekonomiya – at mayroong maiimpluwensiyang tao sa likod ng mga iyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kumilos ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ang Land Transportation Office upang resolbahin ang problema sa kolorum. Noong Hunyo, nag-isyu sila ng isang joint administrative order na nagpaparusa sa mga truck na walang permit. Inilipat ang deadline sa pagtatapos ng Agosto upang bigyan ang mga truck firm ng panahon na makapag-apply ng mga permit, ngunit sa pagkainip ng Metro Manila Development Authority, nailipat ang deadline noong Biyernes kung kaya nagmulta ang mga nahuling truck ng P200,000.

May ilang tiwaling field enforcer na maaaring samantalahin ang pagkakataong ito na mangotong, kung iisipin ang malaking halaga ng official fine. Sa posibilidad na ito dapat maging alerto ang mga kinakuukulang opisyal. Ngunit ang pagtatanggal ng napakaraming kolorum na sasakyan sa mga lansangan sa lungsod ay makaaapekto rin sa mga operasyon ng ilang negosyo.

Ito ay isang kumplikadong magkakaugnay na mga problema – trapik, kolorum, operasyon ng nga negosyo. Nananawagan ito ang isang mas malawak na solusyon kaysa nabalangkas na at mas magkakatugmang pakilos ng mga nasa mas mataas na antas ng pamamahala.