IPAGDIRIWANG bukas, Agosto 19, ng mga taga-Angono, Rizal ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon at ang ika-76 taon ng kasarinlan ng Angono na bayan ng dalawang National Artist na sina Carlos Botong Francisco at Maestro Lucio D. San Pedro. Ang Angono (mula sa salitang Ang Nuno ) na Art Capital ng Pilipinas ay naging isang bayan sa Agosto 19, 1938 nang lagdaan ng Pangulong Quezon ang Executive Order 58 na nag-aatas na ang Angono na dating baryo ng Binangonan ay isa nang independiyenteng bayan.

Ang pagdiriwang ay pangngunahan ni Mayor Gerry Calderon at ng mga miyembro ng Sanggunian Bayan. Ang paksa ng pagdiriwang ay: “Pangangalaga sa Kalikasan, Pagmamahal sa Bayan”. Inihudyat ang simula ng selebrasyon noong Agosto 15 ng timpalak sa pagawit ng mga Kundiman at Orihinal na mga Awiting Pilipino na nilahukan ng mga mag-aaral sa public at private school sa Angono. Sinudan ito ng pagbubukas ng art exhibit sa GMA Center sa Angono Elementary School. Tampok ang tig-20 reproduction ng mga likhang sining tungkol sa buhay ng dalawang National Arist na sina Carlos Botong Francisco at Maestro Lucio D. San Pedro. Sa pagtataguyod ito ng Ayala Museum.

Ayon kay Gng. Flory Diaz, ng Angono Tourism and Art Office, sa umaga ng ika-19 ng Agosto ay tampok na bahagi ang isang misa ng pasasalamat sa municipal compound. Kasunod ang Pagpupugay sa Bayan. Itatampok ang cultural presentation ng Himlahi Chorale at ang Balangay Dance Troupe na binubuo ng mga mag-aaral sa Rizal University SystemAngono. Nakatakang maging mga panauhin na magbibigay ng kani-kanilang mensahe at pagbati sina Rizal Gob Nini Ynares, Vice Gob Frisco San Juan, Jr.at Representative Joel Roy Duavit, ng Unang Distrito ng Rizal. at iba pa.

Tampok na bahagi rin ng pagdiriwang ng ika-76 Taon ng Kasarinlan ng Angono ang isang parada ganap na 3:00 ng hapon Sa gabi naman ay ang parangal at pagkakaloob ng Sanggunian Bayan at Dangal ng Bayan Award sa mga natatanging mamamayan ng Angono.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill