Walong kalahok ang titikada 1st Leg Juvenile Fillies-Colts Stakes sa Agosto 24 handog ng Philippines Racing Commission (Philracom) at idaraos sa Saddle and Club Leisure Park sa Naic, Cavite.

Mangunguna ang mga kalahok na Cat Express at couple entry na Princess Ella, Cock A Doodle Doo, Hook Shot, Jazz Asia, Karangalan, Leona Lolita, Super Spicy at Viva La Vidas na tatawid sa 1,000 meter na distansiya.

Nakataya ang P.6 milyon para sa korona habang mapupunta naman sa pangalawa ang P225.000 samantala magkakamit naman ng P125,000 sa pangatlo at P50,000 sa pang-apat na puwesto.

Naglaan naman ang Philracom ng halagang P30,000 opara sa breeder ng kabayong mananalo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa pagpapatuloy ng mga pakarera ng komisyon para ngayong Agosto, inaanyayahan naman ang 3-year-old locally born na babae na sumali ang kanilang Lakambini Stakes race na gaganapin sa Metro Manila Turf Club,Inc(MMTCI), Malvar,Batangas.

Sa Agosto 31, matutunghayan ang 3-year-old 2014 Philracom Lakambini Stakes race para sa distansiyang 1,800 meters.

Ang nasabing pakarera ay nakahanda ang papremyo P1.2 milyon na ayon sa Philracom mapupunta sa kampeon ang halagang P720,000. habang P270,000 sa pangalawa at tatanggap naman ng P150,000 sa pangatlo samantalang ang 4th place ay tatanggap ng P60,000 habang sa breeders mapupunta ang P50,000.