Aasa ang Pilipinas sa ipapadala nitong kabuuang 149 pambansang atleta sa hinahangad nitong makasungkit ng kabuuang limang gintong medalya sa paglahok ng bansa sa ika-17 edisyon ng Asian Games sa Incheon, South Korea sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Isinumite ng binuong Philippine Olympic Committee – Philippine Sports Commission Asian Games Task Force ang listahan ng mga pambansang atleta kasama ang 78 coaches at officials sa itinakdang huling araw ng nagoorganisa na Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGCO) na pagpasa noong Biyernes, Agosto 15.

Optimistiko si PSC Chairman Richie Garcia, na siya ring itinakdang Asian Games chef de mission, na malalampasan ng pambansang delegasyon ang iniuwi ng bansa na 3 ginto, 4 na pilak at 9 na tansong medalya may apat na taon na ang nakakaraan sa Guangzhou, China.

“We are keeping our hopes on sports that we mentioned will deliver the gold for us,” sabi ni Garcia, bago umalis tungo sa Nanjing, China para suportahan ang pitong batang atleta na sasagupa sa 2nd Youth Olympic Games.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Based on the criteria that we have set, lahat naman ng ipinadala natin ay capable of winning any color of a medal,” paliwanag pa ni Garcia.

Umaasa si Garcia na makakapaguwi ng gintong medalya ang Pilipinas mula sa wushu, basketball, boxing, bowling at cycling.

Isasagawa naman ang 17th Asian Games sa loob ng 16 na araw sa ikatlong paghohost ng bansang Korea sa centerpiece event ng Olympic Council of Asia. Matatandaan na naghost ang Korea noon sa Seoul noong 1986 at sa Busan noong 2002.