UNITED NATIONS (AP) – Nagkakaisang inaprubahan ng United Nations Security Council ang resolusyon na nagpapataw ng parusa sa anim na lalaki na nag-recruit o gumastos para sa mga dayuhang mandirigma sa Iraq at Syria at iginiit na agad na madisarmahan at buwagin ang lahat ng grupong may kaugnayan sa Al-Qaeda.

Pinatunayan ng resolusyon na in-adopt noong Biyernes ang kahandaan ng konseho na pagpataw ng mga parusa sa mga nagre-recruit, sumusuporta at nakikipaglaban para sa mga grupong terorista.

Binuo ang resolusyon sa harap ng matitinding pag-atake ng extremist na grupong Islamic State, na kinubkob ang malaking bahagi ng silangang Syria at ng hilaga at kanlurang Iraq, at tinatakot at sinasaktan ang mga sibilyan kaya naman daan-daang libo ang napilitang lumikas.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente