Noong nagkasakit ako, pinayagan ako ng mabait kong lady boss na sa bahay ko na lamang gawin ang ilang gawain ko sa opisina. upang hindi naman ako magahol sa aking pagbabaliktrabaho.

Sa sa bahay ko naranasan ang magtrabaho mula umaga hanggang dapit hapon, na kasama ang ingay sa kalye at ng mga batang naglalaro sa tapat ng aming tirahan. At kung minsan, nakaaaliw ang mga sigawan ng mga bata habang masayang naglalaro. Napapahinto ako at pinanonood ko sila. Kay saya talagang pagmasdan ang mga batang walang pakialam sa mundo. Paano kaya sila nagkakaintindihan kung sabaysabay silang nagsasalita?

Nang mapansin marahil ng mga nakatatanda na nalalapit na ang takipsilim at humahaba na ang mga anino ng mga bata sa kalye, may inang sumigaw, “Pepet! Umuwi ka na, gabi na!” Tumugon ang anak na parang nagpoprotesta, “Pero, Nanay, naglalaro pa po kami!” Si Nanay uli, “Nakikita mo bang may ilaw na sa kapitbahay? Umuwi ka na, gabi na!”

Mayroong espirituwal na aplikasyon ang eksenang ito sa mga Kristiyano na nakararamdam na humahantong na sila sa takipsilim ng kanilang buhay. Ang kamatayan ay parehong kaibigan at kaaway. Kapag dumating na ang tamang panahon, sinasabi ng kamatayan sa atin, “Gabi na!” At pagkatapos, magpoprotesta pa tayo nang kaunti kahit alam na nating dumating na ang ating oras. At sa kaibuturan ng ating puso, inaasam-asam naman natin iyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kung iisipin ang kamatayan, maaaring mapuno ang isang pusong Kristiyano ng maraming emosyon. Iisipin natin na iiwan na natin ang ating mga mahal sa buhay at luluha tayo. Masakit talaga ang paghihiwalay. Sa kabilang banda, naroon ang antisipasyon ng kapahingayan ng ating mga katawan sa maraming taon ng paghihirap at ang ating pagharap sa Diyos.

Kung inilagak natin ang ating mga puso kay Jesus, aasamin natin na may buong kaligayan na tatawag ang Diyos sa atin ng, “Umuwi ka na, Gabi na.”