Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

11 a.m. FEU vs NU

4 p.m.Ateneo vs La Salle

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Muling magkakasubukan ng lakas ang archrival Ateneo de Manila University (ADMU) at defending champion De La Salle University (DLSU) sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 77 basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Napaaga ang ikalawang pagtatagpo ng dalawang koponan ngayong taon dahil sa biglaang pagbabago ng schedule na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring kaukulang kapaliwanagan.

Sa katunayan, wala pa ring pormal na kopya ng bagong schedule na inilalabas ang liga, maliban sa unang dalawang playing days ng second round.

Gaya ng nakagawian, hiwalay ang tiket ng nasabing Blue Eagles-Green Archers match at sa unang laban sa pagitan ng Far Eastern University (FEU) at ng National University (NU) sa ganap na alas-11:00 ng umaga.

Hawak ang barahang 6-1 (panalotalo), itataya ng Blue Eagles ang kanilang pamumuno kontra sa Green Archers na hangad naman ang kanilang ikalimang sunod na panalo magmula pa sa unang round kung saan sila nagposte ng apat na dikit na panalo matapos mabigo sa unang dalawa nilang laro.

Muling sadandigan ng Blue Eagles para pangunahan ang kanilang misyon si team captain Kiefer Ravena, katulong sina Von Pessumal, Chris Newsome, rookie Arvin Tolentino at Nico Elorde.

Sa kabilang dako, inaasahan namang mamumuno para sa Green Archers sina Jeron Teng, Jason Perkins, Almond Vosotros, Arnold Van Opstal at Kib Montalbo.

Samantala, maghihiwalay naman ng landas ang Tamaraws at ang Bulldogs na kapwa nagtapos na may barahang 5-2 (panalo-talo), kasalo ang Green Archers sa first round.