Ni ELENA ABEN
Binatikos ng Association of Generals and Flag Officers (AGFO) ang tinatawag niyang “trial by publicity” na ipinaiiral ng ilang sektor laban kay retired Army Major General Jovito Palparan.
Sinabi ni retired Lt. Gen. Edilberto Adan, AGFO chairman at president, na sa kabila ng patung-patong na kasong kriminal na inihain laban kay Palparan ay hindi dapat agad na balewalain ang mga sakripisyo nito noong aktibo pa sa serbisyo.
“Let him have his day in court and defend himself against his accusers. He is entitled to due process. Our justice system presumes that he is innocent until proven otherwise in a court of law,” saad sa pahayag ni Adan.
Ayon kay Adan, hindi rin dapat iugnay ang kaso ni Palparan sa pulitika.
“Professional soldiers like Maj. Gen. Palparan faced hardships and risks, and had put his life on the line like countless Filipino soldiers in the service of the country, starting as a junior officer in the 1970s. His courage and leadership had saved lives and protected communities. His sacrifices should be taken into account,” pahayag ni Adan.
“Kung inabuso niya ang kanyang kapangyarihan at posisyon upang magsagawa ng krimen tulad ng sinasabi ng makakaliwang grupo, dapat hayaan natin siyang harapin ang mga nag-aakusa sa kanya,” dagdag ni Adan.
Naaresto ang 63-anyos na retiradong Army general ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Naval Intelligence Unit sa Sta. Mesa, Manila noong Martes ng madaling araw.
Si Palparan, tinaguriang “berdugo ng mga militante” noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ay nahaharap sa dalawang bilang ng kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng misteryosong pagkawala ng mga estudyante ng University of the Philippines (UP) na sina Sherlyn Capadan at Karen Empeño noong 2006.
Kasalukuyang nakadetine si Palparan sa NBI Custodial Center sa Maynila.