Naghahanda na ang Suzuki Phoenix YRS Racing team sa pinakamalaking labanan kung saan ang final race ng 2014 National Road Racing Championship ay aarangkada ngayon sa Ynares Sports Complex sa Antipolo City.
Inaasahan ang battle royale sa Open 4 Stroke Underbone Class kung saan ay tanging 14 puntos ang naglalayo kay second-running rider No. 321 James Mendez, gagamitin ang Suzuki Smash 115, na taglay ang 63 puntos kontra kay Arlan Dela Cruz, na taglay ang 77 puntos.
Sa 160 Automatic Expert Class, inaasahan rin ang matinding bakbakan kina Suzuki Phoenix YRS riders Mendez (70 points para sa ikalawa), Enzo Rellosa (53 points- third) at Team Captain MJ Altamira (52 points fourth) upang hubaran ng korona si Victor Laude (92 points).
Ang koponan, ginagabayan ng Suzuki Philippines, Phoenix Petroleum, YRS Motorcycle Inc., Spyder Helmets, RK Chains, Vee Rubber, Holex Tools, Imarflex at Imola Racing, ang pinaka-dominanteng koponan sa prestihiyosong MBF Cup 115 Sports Production, kung saan ang kanilang riders ay inaasahang o-okupa sa top four slots.
Sila ay inungusan ng rider No. 24 na si Rellosa (95 points), umaasang makikipagsabayan kasama ang teammates na si Mendez (81 points), Altamira (48 points) at Eljin Lobarbio 33 points). Kung maisasakatuparan ng Suzuki ang 1-2-3-4 finish dito, maipapatas nila ang ginawa ng Suzuki Blue Bandits, pinangunahan ni
late Maico Buncio noong 2010.
Samanatla, pinangunahan ni JC Rellosa ang points’ standing sa tatlong categories, ang Super Stock 115, Suzuki Raider J-Fi Cup at Automatic 160 Class C category.
Posibleng maipako nito ang fourth overall title sa Suzuki Nex 115 One-Make Race kung saan ay naiwanan ito ng leader na si Van Ruedas ng 7 puntos at isang puntos na pagka-iwan sa second placer na si EJ Sobretodo.
Ang magwawagi ngayon ay magkakaroon ng tsansa na mapasabak sa Asia Cup of Road Race Championships sa Thailand at Taiwan.
“In behalf of Phoenix Lubricants, we would like to commend the team’s effort to win races. With their skills, confidence and mentors who guide them to be victorious, they will continuously represent us all at Thailand and Taiwan,” saad ni Dessi Maala ng Phoenix Petroleum.
“Suzuki is very proud of the team. It is clear that we got highly skilled riders. They best describe Suzuki’s power and performance on the race and on the road,” pahayag naman ni Suzuki Sales and Marketing Manager Odessa Gan.