blind-copy-copy (7)

HINDI itinanggi sa amin ng manager ng sikat na aktres na nag-50-50 ang buhay ng alaga niya dahil sa stem cell therapy dalawang taon na ang nakararaan.

Noong una ay hindi namin pinapansin ang tsika sa sikat na aktres dahil sinabi naman niya nang huli namin siyang makausap na okay ang epekto ng stem cell treatment sa kanya, at pakiramdam nga raw niya ay bumata siya at nawala ang mga sakit-sakit na nararamdaman niya sa katawan.

Pero kumalat ang usap-usapan sa showbiz circle na nagkaroon pala ng negatibong reaksiyon sa katawan ng sikat na aktres ang stem cell therapy at kamuntikan na nga siyang mamatay.

National

'Unacceptable, unjust!' Castro at Ocampo, pinalagan paghatol sa kanila ng 'child abuse'

Para malaman ang katotohanan, tinanong namin ang manager ng sikat na aktres. Inamin niyang totoo ang kurnalatna balita at hindi lang daw ang aktres ang muntik nang mapaaga ang pagkawala sa mundo kundi pati na ang iba pang sumailalim sa nasabing procedure.

Tila hindi raw tinatanggap ng katawan ng tao ang ibang gamot na iniinom kapag nagpa-stem cell therapy na.

As of now, hindi pa namin nakikita ang sikat na aktres, baka naman nagpapagaling pa.