PUMUTOK at kumalat noong Biyemes ng umaga sa social media sites partikular sa Facebook (FB) ang sinasabing part 2 ng sex video scandal ng TV5 news presenter na si Paolo Bediones.
Umaabot sa 16 minutes and 13 seconds ang part 2 kumpara sa naunang alleged sex scandal ng TV host na umaabot sa mahigit pitong minuto.
Base sa post ng mga nakapanood, may hawig pa rin 'yung girl na kaniig ni Paolo sa unang napanood. Sa deskripsyon ng isang FB user, "I think, ha, it's the same celebrities. 'Yun nga lang, more graphic ito. Umiikot din ang kamera. Alam mong alam nilang kinukunan nila ang kanilang sarili."
Sundot naman ng isa pang FB addict, "Sa tingin ko, ito 'yung dapat na first part. Mas nauna lang lumabas 'yung halos 7 minutes na sex video. Pero sana, tigilan na ninyo ang pagsi-share. Kawawa naman 'yung mga taong involved. For all we know, hindi naman nila gustong mangyari ito sa kanila."
Unang lumabas at pinagpistahan sa social media ang first sex video ng kilalang newscaster last July 27, Sunday.
Kinagabihan ng Lunes, nakuha pa ring mag-report ni Paolo sa Aksyon Ngayon at nag-post siya ng mensahe ng pasasalarnat sa kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang Instagram account (@paolobediones)nahindinangiwan sa kanya sa gitna ng matinding kontrobersiyang kinakaharap niya.
May mga lumitaw na ring pangalan as Paolo's partner pero kapwa na rin ito itinanggingmga taongnadadawitsa sex video scandal.
Matatandaang naglabas nang official statement ang TV5 bilang suporta kay Paolo sa pinagdaraanan niyang problema.
The statement reads, "The recent issue involving our news anchor, Paolo Bediones, on social media is a purely personal and private matter in which TV5 has no involvement or desire to intrude."
"We accord our employees and talents all respect that are due them for their privacy and personal action or decision.
"We disapprove strongly the malicious and wanton publication of the video, an act that clearly violates pertinent cybercrime laws.
"We firmly express our support for our anchor Paolo Bediones in the face of a controversy that represents nothing more than an attempt to smear his reputation."
Dumulog at humingi na rin ng tulong ang TV5 talent sa PNP para mahuli kung sinuman ang responsable sa pagkalat ng mga sex video na kasalukuyang pinagpipistahan sa internet.