Hindi pabor ang isang grupo ng overseas Filipino worker (OFW) sa Middle East sa plano ni Pangulong Benigno S. Aquino III na palawigin pa ang kanyang termino sa 2016.

“We will certainly oppose PNoy’s term extension either via Charter Change (Chacha) or by declaring martial law if he is that desperate just to remain in office beyond his term limit,” pahayag ni John Leonard Monterona, regional coordinator of Migrante-Middle East (M-ME).

Ayon sa grupo, ang pananatili ni PNoy sa pamamahala ay nangangahulugan ng muling pagdami ng mga nawasak na pamilya, biktima ng forced migration at pagmamaltrato sa OFW.

Ikinababahala rin ng grupo ang pagdami ng Pinoy na umaalis upang magtrabaho sa ibang bansa na ngayon ay umaabot na sa 4,800 kada araw, mula sa 3,800 nang maupo si Aquino sa Malacañang noong 2010.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

“PNoy is the Number One exporter of cheap Filipino labor via the government’s lucrative labor exportation program. His government remains too dependent on billions of OFWs remittances that set a yearly record high of about 21-B US dollar last year,” ani Monterona.

Sinabi ni Monterona na ang ekonomiya sa ilalim ng Aquino administration ay nananatiling export-oriented, import-dependent at mas lalong lumala dahil ang mga OFW ay tinatrato nang “commodity for export” kaya dumarami sa hanay ng mga ito ang nabibiktima ng pang-aabuso sa ibang bansa.

Nabatid kay Monterona na ang plano ni Aquino ay amyendahan ang Konstitusyon upang mapalawig pa ang kanyang termino at masusugan ang political interest ng kanyang grupo.

“With 2 years remaining in office but is threatened to be ousted, PNoy has to change his position now in favor of Changing the Constitution to satisfy the imposition of his US imperialist masters and at the same time take this an opportunity to extend his term beyond 2016,” sabi pa ni Monterona.