Bong-Revilla_JIMI-copy

MAY pinuntahan kami sa PNP General Hospital sa loob ng Camp Crame noong Biyernes ng hapon, at dahil medyo matagal na rin kaming hindi nakakapasok sa loob ay nag-detour at tumuloy kami may PNP custodial area na sabi ng kasama namin na doon daw nakadetine sina Senators Bong Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada.

Hindi pala basta puwedeng dumalaw doon dahil sobrang higpit at kailangang may approval pa bago ka papasukin.

Hindi nga halatang naroon pala ang dalawang senador dahil akala mo'y opisina lang sa labas ng gate, na base sa kuwento sa amin ay maraming gate ka pang dadaanan bago tuluyang makapunta sa kinaroroonan ng dalawa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naalala tuloy namin ang tsikahan ng veteran writers and columnists sa isang presscon na nami-miss na nila si Sen. Bong Revilla dahil malapit na ang Metro Manila Film Festival.

Oo nga naman, isa kami samapalad na laging naiimbitahan kapag may pelikula siyang kasali sa Metro Manila Film Festival bukod pa sa pa-Christmas party niya sa lahat ng entertainment press na bukod sa regalong matatanggap ay may pa-raffle din na lahat naman ay mananalo. Laging tuwang-tuwa ang mag-asawang Bong at Lani Mercado kasama ang kanilang mga anak na nag-aambag din ng pampa-raffle at iba pa 'yung bigay din ni Mrs. Andeng Ynares na maybahay naman ni Antipolo City Mayor Junjun Ynares.

Diretso naming sasabihin na sa lahat ng may entry sa MMFF, bukod tanging si Senador Bong lang ang umiimbita sa lahat ng entertainment press, ke aktibo o hindi na sa pagsusulat, na lahat ay may pamaskong bitbit pag-uwi.

Maging sa mga personal na pangangailangan ng mga kasamahan sa hanapbuhay, may personal din kaming nakita kung paano tinulungan ng pamilya Revilla.

Kaya nang madawit si Senator Bong sa PDAF ay nagulat kami dahil nga nasa itaas ng pedestal ang paghanga namin sa kanya 'tapos masisira lang.

Aminado rin kaming hindi kami dumadalo sa ilang patawag ni Senator Bong para ipaliwanag na hindi siya kasama o wala siyang alam.

Ayaw kasi naming makarinig muna ng tungkol sa PDAF na 'yan dahil isa kami sa mamamayang naghihirap na magbayad ng tax 'tapos kinukurakot lang pala.

Ayaw naming makarinig ng tungkol sa PDAF, laid na ang pangalan ni Mrs. Janet Lim-Napoles dahil baka kung ano pa ang masulat namin.

Pero ngayong humuhupa na ang isyu at dinidinig na sa korte ang kaso ay okay na kami ro'n, sana lang makulong ang mga taong mapapatunayang may kasalanan.

Pero kung mapapatunayang walang kasalanan sina Senators Bong at Jinggoy ay pakawalanna sila dahil siguro naman ay naranasanna nila ang hirap na makulong sa isang de-kahong kuwarto at tanging dingding lang ang pagitan nila sa isa't isa.

Ang nakakataka, bakit sila lang ang nasa kulungan, nasaan 'yung ibang sangkot sa PDAF? Kasi sila ang sikat?

Naalala din namin ang kuwento ni Manay Chit Ramos na nu'ng bago pa lang ang Regal Films ay Kumander Melody ang first movie ni Mother Lily Monteverde at si Senator Ramon Revilla, Sr. ang bida. At Roman Ronquillo na pinagbidahan naman pala ni Bong ang unang pelikulang prinodyus ng Star Cinema noong 1993. May paniniwala sa showbiz na masuwerte raw kasi silang mag-buena mano.

Kaya ganu'n kamahal ng showbiz ang Revilla family, malaki ang ambag nila sa pelikulang Pilipino.

Say pa ni Manay Chit, "Eleven years old lang si Bong nang ibilin siya sa akin ng magulang niya. At para sa kaalaman ng lahat, ako ang matchmaker nila ni Lani kaya sila nagkatuluyan."

Sumobra naman yata ang throwback memories namin! A, basta, nakaka-miss ang bungisngis ni Bong kapag ini-interbyu. Kailan nga ba siya gagawa ulit ng pelikula para sa MMFF?