Pinagkokomento ng Korte Suprema ang Malacañang sa motion for partial reconsideration na inihain ng ilang petitioner sa kaso ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa dalawang pahinang resolusyon ng Supreme Court en banc, 10 araw ang ibinigay ng korte sa Palasyo para sagutin ang apela ng mga petitioner, sa pangunguna ni dating Manila Councilor Greco Belgica.

Sa kanilang mosyon, hiniling ng mga petitioner sa kataas-taasang hukuman na ideklarang unconstitutional ang augmentation na inilaan sa ilalim ng DAP para sa mga programa sa General Appropriations Act na wala namang actual deficiencies.

Malinaw umanong nakasaad sa Konstitusyon na ang paggastos sa kaban ng bayan ay hindi dapat sosobra sa inirekomenda ng Pangulo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iginiit ng mga petitioner na ang paglalaan ng Pangulo ng augmentation fund na hindi itinatakda ng batas ay matatawag na fiscal irresponsibility sa bahagi ng Punong Ehekutibo at magiging dahilan para makompromiso ang proseso ng pagpopondo.