Kim-Chiu

PUMIRMA ng panibagong two-year contract si Kim Chiu sa ABS-CBN earlier this week. Dalangin ni Kim na sana’y makarabaho uli niya si Xian Lim sa teleserye o sa pelikula.

“Sobrang good year, maraming magagandang nangyari and I’m very happy and very thankful. Nag-renew ako dito sa home network ko kung saan talaga ako nanggaling and I’m very happy na nandito pa rin ako kung saan ako nagsimula, kung saan ako unang lumabas, and siyempre utang ko sa kanila kung nasaan ako ngayon, kung ano ‘yung narating ko and I’m very thankful sa lahat ng magagandang projects na binibigay nila sa akin for eight years plus na,” masayang pahayag ng dalaga.

Bukod sa Ikaw Lamang na kasalukuyang namamayagpag sa ratings game, nais ding subukan ni Kim na gumana ng fantaserye.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

“Never pa akong nagkaroon ng fantasy na teleserye or movie or project, ‘yun ‘yung isa sa mga bagay na nilu-look forward ko. Kasi more on drama and iyakan ako, nag-comedy ako bago lang. So ‘yun, gusto ko i-explore ‘yung mundo naman ng fantasy. Kahit ano basta may supernatural everything kiyemekiyeme,” sabay tawang sabi niya.

Sa ASAP noong nakaraang Linggo, napanood ang pagsasama sa stage nina Kim, ng ex niyang si Gerald Anderson at ang current girlfriend nitong si Maja Salvador. Mukhang in good terms naman na sila at malayo nang isipin na minsa’y nagkaroon sila ng conflict ni Maja.

Pero, parehong nagpahayag ang kampo ni Kim at ni Gerald na ayaw pa nilang magkakasama sila sa anumang proyekto, kung meron man.

Baka nga naman may ma-rekindle o kaya’y pagpistahan uli ang kanilang damdamin.

Pero marami ang nag-aabang sa muling pagtatambal nina Kim at Gerald.

“It depends sa project and sa kung ano ‘yung kuwento. Ang daming nagtatanong sa akin pero sabi ko depende, hindi ko alam, eh. Huwag muna, mainit-init pa siyempre. Kung kami, okay na kaming tatlo, siyempre ‘yung mga fans iba pa ‘yung tingin nila. So might as well i-smoothen muna natin ‘yung mga buhay-buhay. Kung sa amin as individuals, okay na sa amin ‘yung mga bagay-bagay, and ‘yung iba kasing tao iba rin ‘yung tingin nila, not naman in a bad way but sayang lang, eh, if magti-take ka ng risk. Siguro time muna to smoothen everything na maging diretso ‘yung daan,” paliwanag ng young actress.

Para makaiwas na rin sa intriga maging kung sila ni Maja ang magsama sa trabaho.

“Okay naman (kami), pero huwag muna siguro kasi kung okay naman sa akin, hindi natin alam kung papano siya tatanggapin ng mga tao. Siyempre utang namin sa mga fans namin kung nasaan kami ngayon and it depends on them kung papa’no nila tatanggapin ‘yun. Pero in time muna.”

May lamat na raw sa dati niyang friendship with Maja, at hindi na ito muling mabubuo.

“Wala nang closeness. Ano na lang, civil. Tsika-tsika. Pero hindi best of friends, best of something, ganu’n. Okay na, wala na. Life goes on. It’s fine, wala naman na, so ‘yun,” pagtatapos ni Kim.