Nabunyag ang mga nakapangingilabot na detalye ng “massacre” na isinagawa ng mga jihadist sa isang bayan sa hilagang Iraq, habang ipinupursige ng makakapangyarihang bansa ang pagsasaayos sa pondo para armasan ang Kurds na nakikipaglaban sa grupo at para tulungan ang mga naaapektuhan sa kaguluhan.

Nasa 80 sibilyan ang pinatay noong Biyernes sa bayan ng Kocho, karamihan ay mga tagasunod ng paniniwalang Yazidi, ayon sa mga opisyal habang nagpapatuloy ang pag-atake ng grupong Islamic State laban sa mga minority group sa hilaga.

Sa Syria, may 700 miyembro ng tribung al-Sheitaat sa probinsiya ng Deir al-Zor sa silangang Syria na nakikipaglaban sa IS ang binitay— karamihan ay pinugutan—sa nakalipas na dalawang linggo, sinabi noong Sabado ng human rights monitoring group na Syrian Observatory for Human Rights. - AFP, Reuters
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente