GENEVA (AFP) – Napakabilis ng pagkalat ng Ebola at posibleng abutin pa ng anim na buwan bago ito tuluyang makontrol, ayon sa medical charity na MSF.

Inilabas ang babala isang araw makaraang ihayag ng World Health Organization (WHO) na in-underestimate ang magiging epekto ng epidemya at kinakailangan ang mga “extraordinary measure” upang tuluyang mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Batay sa mga bagong datos ng WHO ay umabot na sa 1,145 ang kabuuan ng mga nasawi sa pinakamatinding outbreak ng Ebola sa nakalipas na mga dekada sa Guinea, Liberia, Nigeria at Sierra Leone.
National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros