TANAUAN CITY, Batangas – Patay ang isang pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga nang pagbabarilin ng magkaangkas sa motorsiklo sa Barangay Bagumbayan, sa bayan na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Chirstopher Olazo, Tanauan City Police Station chief, ang napatay na biktima na si Irwin Castillo, 41, na kilala sa kanilang lugar na kilabot na tulak ng droga.

Ideneklara ng pulisya na dead-on-the-spot si Castillo sa tinamo nitong tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa mga saksi, naglalakad si Castillo sa isang madilim na lugar sa Barangay Bagumbayan patungo sa kanyang bahay nang lapitan ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo dakong 8:30 noong Sabado ng gabi.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

At walang sabi-sabi nang biglang paputukan ng isa sa dalawang suspek ang biktima ng malapitan.

Nabawi ng mga imbestigador ang tatlong basyong bala at tatlong deformed slug sa lugar na pinangyarihan ng krimen. (Ferdinand F. Castro)