Mahigit sa 6,000 indibidwal ang nag-apply ng trabaho sa Bureau of Customs (BoC), ayon sa isang opisyal ng ahensiya.

Ayon sa BoC-Internal Administration Group (IAG), karamihan sa mga nag-apply ng trabaho sa ahensiya ay mula Luzon na umabot sa 4,364; pangalawa ay Visayas, 702; at Mindanao na may 947.

“Hindi pa kasama rito ang mga aplikante na hindi napunan ang mga basic requirement tulad ng Civil Service Eligibility, hindi nakapagsumite ng aplikasyon bago ang August 6 deadline, at mga nagsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng emal,” ayon sa IAG.

Ang Customs Bureau ay kasalukuyang nasa ikalawang yugto ng pagkuha ng mga bagong empleyado upang mapunan ang 1,056 bakanteng posisyon sa ahensiya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Subalit hindi madali ang pagpasok sa BoC, na sa kasalukuyan ay mayroong 3,600 kawani.

“Once they passed the CSC exam, the applicants will also take aptitude and psychometric tests determined to measure their personality, interest, aptitude, and values,” ayon sa opisyal ng BoC.

“This will greatly help the bureau in eliminating future employees who are susceptible to graft and corrupt practices,” dagdag niya. (Raymund F. Antonio)