Ni LEONEL ABASOLA

Hangad ng gobyerno na mapaglaanan ng P6.6 bilyon ang Metro Rail Transit (MRT) sa susunod na taon, batay na rin sa kahilingan ng Department of Transportation and Communications (DoTC) na may saklaw sa MRT.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang P1.92 bilyon ay para sa operation and maintainance habang ang P4.66 bilyon naman ay para sa subsidiya ng MRT 3.

“In addition, there’s a special provision in the budget of the DoTC which allows the agency to use ‘farebox revenue’ and ‘non-rail collections’ in settling MRT’s operating requirements and prior years’ obligations,” ayon kay Recto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Para sa taong ito ay may P4.09 bilyon na budget ang MRT, at P1.81 bilyon nito ang para sa operation at maintenance.

Kasabay nito, ikinasa naman nina Senators Aquilino Pimentel III, Juan Edgardo Angara at Bam Aquino ang imbestigasyon sa pag-overshoot noong Miyerkules ng isang tren ng MRT sa terminal nito sa Pasay City na ikinasugat ng 39 na katao.

Anila, kailangang matukoy kung may sapat na kakayahan ang mga tauhan ng MRT at maging ang mga tren nito para sa pang-araw-araw na operasyon.

Nangako na ang MRT na mababawasan ng 10 hanggang limang minuto ang “transfer time” nito habang bababa naman sa walong porsiyento ang mga biyahe nito.

Balak din ng DoTC na gawing 48 kilometro kada oras ang bilis ng tren para sa 4.48 milyong pasahero nito araw-araw.