Sa layuning mapabuti ang pag-aaral ng mga estudyante, magkatuwang na itataguyod ng Department of Education (DepEd) at Global Peace Foundation na pailawan ang tahanan ng Indigenous People sa liblib na lugar na wala pang kuryente.

“We hope that with these small lights, our children may dream and put into reality all our hopes and dreams,” wika ni Global Peace Foundation - Asia Pacific President Jinsoo Kim sa pagpapasinaya ng All-Lights Village sa isang komunidad ng Agta sa Cagayan Valley.

Bilang pasimula, namahagi ang GPF ng 60 solar light sa Agta community, 3 solar lamp post at 2 solar lights sa Pureg Primary School.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3