Kung mahihiligin kang sumubaybay ng balita sa ibayong dagat, mapapansin mo na sa kaunting ulan lamang ay nagbabaha agad. Hindi ka rin magtataka sapagkat ramdam naman talaga ang climate change.

Nitong nagdaang mga araw, may nakapag-ulat na dahil sa global warming, maaaring bumilis ang pagtaas ng sea level bunsod ng pagkatunaw ng yelo sa Antarctica. Dahil dito, nanganganib ang malalaking lungsod kabilang ang New York at Shanghai, ayon sa mga mananaliksik sa Germany. Napag-alaman sa pag-aaral na isinagawa ng the Potsdam Institute for Climate Impact Research, kung magpapatuloy ang pagdami ng greenhouse gasses matutunaw ang gahiganteng mga yelo sa Antarctica at maaaring tumaas ang sea levels ng 37 sentimetro (mahigit 14 pulgada) sa siglong ito.

Sa pag-aaral naman ng NASA ang glaciers sa Amundsen Sea region ay taglay ang sapat na tubig upang pataasin ang sea levels ng apat na talampakan at hindi mapipigilan ang pagkatunaw ng yelo.

Anang kinatawan ng Potsdam Institute, ang Antarctica ang magiging pangunahing dahilan ng mabilis na pagtaas ng sea level dahil nga sa lawak ng yelong bumabalot dito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dahil sa mga ulat na ito, babalik uli tayo sa una nating natalakay sa pahayagang ito. Ano ba ang mga bagay na nagpapalawak ng greenhouse gases? Ang mga usok naibinubuga ng mga sasakyan, ng mga pabrika, ang taunan o buwanang selebrasyon na ginagamitan ng mga kuwitis at pagsusunog ng gulong. Isama na natin ang mga pagsusunog ng basura at ng mga damo sa gilid ng mga highway, ang pagba-barbecue na araw-araw nating nakikita sa may palengke o sa mga komunidad. Hindi ba binubuhusan pa ng mantika ang uling upang lumikha ng mas makapal na usok? Panahon na upang makita ang pangil ng ating mga batas tungkol sa malinis na hangin.

Kapag nagsimula nang matunaw ang mga yelo sa Antarctica, magkakaroon sa Pilipinas ng super baha kahit matindi ang sikat ng araw. At dito magsisimula naman ang malalaking problema sa ating lipunan at kapaligiran na hindi pa natin nararanasan.