Ibabalik ng National Housing Authority (NHA) ang nalalabing P450 milyon mula sa P11 bilyon pondo sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na ibinigay sa ahensya.
Nabatid kay NHA Gen. Manager Mr. Chito Cruz na ang naunang P10 bilyon pondo mula sa DAP ay nakalaan sa pagpapatayo ng 25,000 na pabahay, mahigit 21,000 dito o 85% naitayo at on-going pa ang natitira.
Ang naturang pabahay ay para sa mga pulis, sundalo, at sa mga pamilyang nasa danger areas sa Metro Manila.
Sinabi pa ni Atty. Chito na nagdagdag pa ng P1 bilyon ang pamahalaan para sa pagpatayo ng pabahay, P500,000 dito ay ipapatayo ng halos 2,500 na pabahay na nakalaan para sa mahihirap na empleyado na BFP, BJMP.
Habang ang P100 milyon ay ipapatayo ng 1,000 pabahay sa Iloilo para sa mga pamilyang naninirahan sa pampang ng Iloilo River.
Ikinalungkot naman ni Cruz na dahil sa desisyon ng Korte Suprema na iligal ang DAP ay matitigil ang pagpapatayo ng may 2,053 pabahay para sa mga pamilyang nakatira sa North Triangle sa Quezon City.
Napag-alaman na ang isosoling P450 milyon mula sa pondo ng DAP ay nakalaan sa North Triangle Relocation and Resettlement Program. - Jun Fabon