Sa biglang tingin, halos imposible ang hamon ng isang religious leader sa mga mananampalataya: tulungan o himukin ang mga pulitiko na umiwas sa mga katiwalian. Nangangahulugan na tayo ang magiging sandata upang masugpo ang katiwalian na talamak hindi lamang sa gobyerno kundi maging sa pribadong sektor.

Marami pang pagtatangka na lipulin ang mga pagsasamantala sa lipunan, lalo na nga sa gobyerno na pinamumugaran ng mga pulitiko at lingkod ng bayan na naging bahagi na ng kanilang buhay ang pangungulimbat ng kaban ng bayan. Ano ba ang dahilan ng kaliwa’t kanang pagsasampa ng asunto laban sa mga nakapiit sa iba’t ibang detention centers? Totoong wala silang kasalanan hanggang hindi napatutunayan ang kanilang mga pagkakamali. Subalit isang bagay ang tiyak: Nililitis ang kanilang mga kaso na kinapapalooban ng pandarambong ng ibinabayad nating mga buwis.

At hindi lamang sa plunder cases nahaharap ang ilang pulitiko. Marami rin ang nasasangkot sa iba pang karumal-dumal na krimen na hanggang ngayon ay tinutugis pa ng mga alagad ng batas. At may mga nakatakas na dahil naman, marahil, sa pakikipagsabuwatan sa mga tiwaling law enforcer.

Ang kamandag ng katiwalian ay matagal nang lumalason sa lipunan. Sintanda na ito ng pagkakalikha ng daigdig. Subalit totoo rin na naririyan pa rin ang ating mga lider sa gobyerno at sa pribadong sektor na hindi matatawaran ang integridad, katapatan sa paglilingkod at laging nagpapahalaga sa mga aral ng Diyos. Sila ang tunay na mananampalataya na marapat maging lider ng bansa.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Lubhang makamandag ang mga alingasngas. Maging ang Simbahang Katoliko ay ginigiyagis din ng mga pagmamalabis. Hindi iilang pagkakataon na mismong si Pope Francis ang humingi ng kapatawaran o apology sa mga pagkakamaling nagawa ng ilang alagad ng Simbahan.

Mahirap himukin ang sinuman sa pag-iwas sa mga pagkakamali kung ang paggawa ng kasamaan ay animo’y nakatahi na sa kanilang balat