Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. UST vs AdU

4 p.m. UE vs UP

Mula sa orihinal na schedule na ibinigay sa pagtatapos ng first round, nagkaroon ng pagbabago sa iskedyul ng laro sa second round ng UAAP Season 77 basketball tournament na nakatakdang simulan ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum. 

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Bunga ng biglaang pagbabago na hindi pa rin ipinaliliwanag hanggang sa mga sandaling sinusulat ang balitang ito, magkakaharap nang mas maaga ang first round topnotcher Ateneo de Manila University (ADMU) at ang archrival at defending champion De La Salle University (DLSU) bukas sa Smart Araneta Coliseum at hindi sa MOA Arena na gaya ng nasa unang schedule. 

Sa ganap na alas-4:00 ng hapon ang nasabing laban ng Blue Eagles (6-1) at Green Archers (5-2) bago ang unang laro sa pagitan ng Far Eastern University (FEU) (5-2)  at ng National University (NU) (5-2) sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Para naman sa pagbubukas ng second round ngayon, magtatapat sa pambungad na laro ang University of Santo Tomas (UST) at ang winless na Adamson  University (AdU) sa ganap na alas-2:00 ng hapon na susundan ng salpukan ng season host University of the East (UE) (3-4) at ng University of the Philippines (UP) (1-6).

“Hopefully, we can ride on the momentum of that first win to gain and achieve more wins in the second round,” pahayag ni UP coach Rey Madrid.

Bagamat mahirap, naniniwala naman ang Fighting Maroons na naroon ang kanilang tsansa at nasa mga kamay na lamang nila kung paano ito makukuha.

 Batay na rin sa naging payo sa kanila ng American basketball  at fitness coach na si Joe Ward, kailangan lamang umano ng Fighting Maroons na ipagpatuloy ang kanilang natutunang pagkatapos ng laro matapos ang naging panalo sa Falcons. 

“Iyon kasi ang naging problema namin sa umpisa, we can match up and play side by side with the other teams only up to third quarter,” ayon pa kay Madrid. 

Sa kabilang dako, tatangkain naman ng Red Warriors na madugtungan ang nakamit na ikatlong panalo sa pagtatapos ng first round kontra sa Growling Tigers para sa hangad nilang makahabol sa inaasam na Final Four berth.

Para naman sa Tigers, target nilang bumalikwas mula sa 3-game losing skid na natamo sa pagtatapos ng first round sa pamamagitan ng pagtatala nang mas kumbinsidong panalo kontra sa Falcons.

Ngunit malaking kuwestiyon pa rin kung kaya nang maglaro ngayon para sa Tigers ng kanilang sentrong si Karim Abdul na hindi nakalaro sa huling laban nila sa first round kontra sa Red warriors.