Ni LIEZLE BASA IÑIGO

CITY OF ILAGAN, Isabela – Iminungkahi ng isang miyembro ng Sangguninang Panglalawigan ng Isabela na maideklarang bahagi ng probinsiya ang islang Benham Rise na nasa Pacific Ocean.

Nauna rito, napabalitang naghain ng resolusyon si Sangguniang Panglalawigan Member Faustino Dondon Dy IV ng 2nd District para hilingin sa gobyerno na ituring na bahagi ng Isabela ang Benham Rise.

Naniniwala si Dy na dapat lang na gumawa ng kaukulang hakbang ang pamahalaang panglalawigan dahil ang Isabela ang pinakamalapit sa Pasific Ocean.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Iminungkahi rin ni Dy na magsagawa ng unilateral declaration ang pamahalaang panlalawigan para maging pormal at opisyal ang pag-angkin sa nasabing isla sa Pacific Ocean bilang bahagi ng teritoryo ng Isabela.

Natukoy sa pag-aaral ng ilang dalubhasa na ang Benham Rise ay binubuo ng 13 milyong ektarya na sagana sa lamang dagat, gayundin sa natural gas o langis at sa kabuuan ay mas malaki pa kaysa Luzon.

Positibo naman si Dy na mayaman sa natural gas ang Benham Rise at maaari itong mapakinabangan ng Isabela.