Simula sa susunod na linggo ay pansamantalang bubuksan ang terminal sa tapat ng Starmall sa Alabang, Muntinlupa City para sa halos 600 out-of-line bus mula sa Southern Luzon at Visayas.

Aabot sa 556 out-of-line na bus buhat sa 3,600 bus ang hindi na papayagang dumaan sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) na upang maibsan ang kalbaryo ng maraming motorista kaugnay sa araw-araw na mabigat ng trapik.

Binisita rin ni Land Transportation Franchising aand Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez ang bubuksang terminal ng bus sa Muntinlupa kung saan may mga waiting shed at tindahan para sa mga pasahero subalit walang palikuran.

Aminado ang LTFRB chief matatagalan ang pagpapatayo ng Permanent Integrated Transport Teminal sa FTI, Taguig kaya susubukan ng ahensiya na gamitin ang nasabing bus terminal sa Alabang-Muntinlupa.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Nilinaw ni Ginez pinal na ang pagbabawal na makapasok sa Metro Manila ang mga out-of-line o walang prangkisa na mga sasakyan. Tanging ang mga may lehitimong prangkisa at nasa end-point terminal gaya sa Monumento, Sampaloc, Cubao at Pasay ang maaring pumasok, gumarahe at magsakay/magbaba ng mga pasahero sa kanilang sariling terminal.

Noong nakalipas na mga taon, may ilang bus na nabigyan ng prangkisa kahit walang terminal sa dulo ng ruta.

Samantala, nananatiling hindi pa rin hulihin ang mga truck na nakakuha ng provisional authority mula sa LTFRB hanggang Oktubre 17.