Arron-Villaflor-copy

VISIBLE na ang karakter ni Arron Villaflor bilang isang mysterious guy sa Pure Love, mai-involve siya sa mga pangunahing bidang babae na sina Alex Gonzaga at Yen Santos. Sa pagpasok ng kanyang role, punang-puna ang kanyang mala-genius na personality with matching eyeglasses na suot.

“Suggestion ko po (sa production) na pasuutin ako ng eyeglass para maiba. Okay naman, kaya pumayag ang direktor namin,” sey ng aktor na napili ring endorser ng Mario D’Boro kamakailan dahil daw sa kanyang tikas at ma-appeal na porma.

Sa estado ng kanyang career, kuntento na si Arron sa takbo ng kanyang buhay kaya ‘di niya nakakalimutang patuloy na magpasalamat sa Kapamilya Network na nagtiwala sa kanyang kakayahan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Bukod sa ABS-CBN, pasalamat din ako kay Lord  dahil lagi Niyang dinidinig ang dasal ko na sana bigyan pa  ako ng mga trabaho,” sey ni Arron na ngayo’y pumasok ang pamilya sa real estate business.

Malapit nang matapos ang tatlong unit ng townhouse na kanilang ipinatayo sa loob ng subdivision sa Tarlac.

“Finishing touches na po. Si Daddy po (architect ang kanyang ama), ang nag-design at sila ni Mommy (Lhet) ang nagso-supervise. Kaya nga po kailangan ko pang magtrabaho,” sabay tawa ng poging young character actor.

Ano ang kanyang dream role?

“Joker (na ginampanan ni Heath Ledger),” walang kakurap-kurap niyang sagot. “Kasi feeling ko very challenging ang character niya du’n  bilang Joker. ‘Pag nagawa ko na ‘yun, happy na ako.”

Pinaka-challenging role na kanyang nagampanan ay ang papel ni Kael sa Juan dela Cruz, lider ng aswang na  kalaban ng bidang si Juan, played by Coco Martin.

Matatandaan na isa si Arron sa mga miyembro ng Gigger Boys, ang all-male-dance-sing-group na pinasikat sa ASAP na binuo nila nina Enchong Dee, Sam Concepcion at Enrique Gil na pawang nagbibida na sa mga teleserye at pelikula. Matapat ang pahayag ni Arron na wala siyang nararamdamang inggit sa mga dating kasamahan sa ASAP.

“Ibigay na natin sa kanila ang pagbibida, kasi deserving naman sila sa tinatahak nilang journey,” malumanay na sabi niya. “Ako kasi, hindi ‘yung tipo ng tao na naiinggit dahil may magandang nangyari sa mga kasamahan ko o kahit na sa ibang tao. I’m happy for them kasi they have their own journey and I have my own journey too. Kung hanggang saan kami aabot dapat maging masaya kami at ako naman kung hanggang saan umabot ang journey ko, masaya  na rin ako du’n. Mas natutuwa nga ako ‘pag nalalaman kong may kasamahan akong umaasenso. Dito sa showbiz, dapat nagtutulungan at hindi naghihilahan pababa,” magandang katwiran ni Arron.