Pinalad na nakaligtas sa kamatayan ang isang batang lalaki na naglaro ng granada dahil sa mabilis na pagresponde ng Quezon City Police District (QCPD) bomb squad sa isang parke sa Quezon City noong Miyerkues ng umaga.

Sa report ni P/Insp. Noel Sublay, hepe ng Explosive Ordinance Division ng QCPD, 8:00 a.m., nakatanggap sila sa kanyang tanggapan na isang bata umano ay may nilalarong M33 fragmentation grenade sa Bernardo Park, EDSA sa Barangay Kamuning, Quezon City.

Agad na sumugod ang mga tauhan ng QCPD-EOD bomb squad at kinuha ang granada na hawak-hawak ng paslit na hindi nakuha ang pangalan dahil agad itong tumakbo.

Nabatid kay P/Insp. Noel, ang naturang granada ay mataas na uri ng bomba na kayang wasakin sa pagsabog nito ang ordinaryo at kongkretong bahay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iniulat na isang alyas Gina na nangangalakal ng basura ang nakita sa bata na nilalaro ang napulot na na granada at agad ipinaalam sa pulisya. - Jun Fabon