DUBAI- Makaraang mawala na sa kontensiyon sa Fiba U17 World Championship dito, sinabi ni MVP Sports Foundation president Al Panlilio na kanyang sasalain ang koponan sa mas matatangkad at mas talented players na kayang makipagsabayan sa mga pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo.

Sinabi ni Panlilio, ang anak ay ang vital cog sa kampanya ng Batang Gilas sa prestihiyosong 16-nation tournament, na may talent ang Filipinos na magwagi ngunit ang kakulangan ng kanilang matatangkad na manlalaro ang naging daan upang dominahan sila ng world superpowers sa halos kabuuan ng departamento.

Binuksan ng Batang Gilas ang kanilang hangarin mula sa 10-point setback sa Angola, sinundan ng 20- point loss sa Greece at ang 60-point defeat sa reigning champion United States.

Sa sa Round-of-16, pinasadsad sila ng France sa pamamagitan ng 29 puntos, na nagdala sa kanila sa classification round kung saan ang kanilang best finish ay posibleng sa ninth place.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakaharap kagabi ng Pilipinas ang South American powerhouse Argentina sa Al Shabab Arena. At isa na naman itong uphill climb kung saan ay puwersahang maglalaro ang Filipinos na wala ang leading scorer Jolo Mendoza, napinsala mula sa kanyang right hamstring sa closing seconds ng third period sa kanilang laro sa France.

Ang panalo ng Filipinos sa ganap na alas-4:30 ng hapon (alas-10:30 ng gabi sa Manila) ang magiging daan upang kaharapin nila ang magwawagi sa Greece at Egypt para sa tsansang mapasakamay ang ninth place.

Ang setback, sa kabilang dako, ang magdadala sa kanila sa labanan sa ika-13 hanggang ika-16 places kasama ang iba pang talunan sa classification matches.

“Our hearts are very big, but physically we have to help ourselves look for players that are also taller and heftier, or maybe we could find Filipino-foreigners. Height is might as they say,” saad ni Panlilio, na nagsabing ang Pilipinas ay may average height na 5-foot-11 habang ang ibang bansa ay nagparada ng 6-foot-7 hanggang 7-foot giants.

“If we only had three 6’5” players in our team, napakalaking bagay ‘nun. We gave everybody a tough time. It’s only until late in the third to fourth quarter na talagang bumibigay na. Kumbaga sa boxing, kaya mo ang suntok pero kung nasusuntok ka hanggang dulo ay bibigay ka na.”

Idinagdag pa nito na batid na ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny Pangilinan ang magiging outcome ng laro at ikinasiya na nito ang naging performance ng mga manlalaro.

“MVP (Pangilinan) was proud despite the disadvantage in height,” pahayag nito. “He sees that the boys are battling. Talagang lumalaban, puso pinapakita nila and because of that, it gives him a lot of pride and tears in his eyes na nakikitang lumalaban and mga bata.”

Sinabi ni Batang Gilas coach Jamike Jarin na bagamat nangyari ang setback, at kawalan ni Mendoza sa kanilang classification match kontra sa Argentina, ang kanyang koponan ay walang planong umatras.

“The odds are as long as you give your best no matter what the results are, you should be proud that you represent the country,” dagdag nito. “This team is a fighting team, they will continue to fight even if we’re out of the quarterfinals.”