Pansamantalang itinalaga ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ng isang abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) upang hawakan ang kaso nina dating Maguindanao Governoer Andal Ampatuan Sr., kanyang anak na si Andal Jr., at iba pang akusado sa Maguindanao massacre.

Ito ay matapos magbitiw sina Sigfrid Fortun, Andres Manuel Jr. at Paris Real bilang mga abogado ng mga akusado.

Sa pagdinig sa kaso, itinalaga ni Quezon RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes si Atty. Laquindab Marohombsar bilang “counsel de officio” ng mag-amang Ampatuan, Sajid Anwar Ampatuan at Akmad Tato Ampatuan.

Si Marohombsar ay pansamantalang tatayong abogado para kay Talembo Masukat, Mohades Ampatuan, Misuari Ampatuan, Macton Bilungan, Norman Tatak, Armando Ambalgan, Abedin Alamada, Nicomedes Tolentino, Ibrahim Kamal Tatak, Thong Guimano, Salipada Tampodao, Datutuhon Esmael, Naser Talib at Butukan Malang.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Said accused are hereby given seven days from today within which to secure the services of the new counsel who will represent them in these cases,” ayon sa kautusan ni Solis-Reyes.

Ang law firm ni Fortun – Fortun, Narvasa & Salazar – ang dating humahawak sa kaso nina Andal Jr. at Andal Sr.

Ang mga akusado ay nahaharap sa 58 counts of murder sa sala ni Solis-Reyes.

Matatandaan na nagbitiw ang mga abogado ng kampo ng depensa matapos mabulgar ang umano’y panunuhol mula sa hanay umano ng prosekusyon. - Chito Chavez